Hindi natin kailangang
Banggitin ang salitang ‘mahal kita’.
‘Pagkat sasayaw tayo sa saliw
Ng hirap at ginhawa
Sa hangin, tayo’y lilipad–
Kakanta
Pakikilala natin ang isa’t isa sa mga mukhang hindi natin kilala
Lahat ng makakaalala
Mabibigyan ng pabuya ng ngiti
Magbabago ang awit
Babagal sa ating sambit
Magsasabit ng mga kulay na ginto at puti
Aawitan kita at sila
At walang hihinto
Sa mabagal na pagindak ng mga bewang
Sa musikang tayo ang naglilok
Hindi ko kailangang marinig na ako ang buhay mo
Ngunit bawat ligaya’y buong buhay na hahatiin
Ang kapit ko man, minsan ma’y humina,
Walang dapat ikatakot
Dahil uli’t uli
Ikaw ang panata.
