Categories
Poetry

Nakalimutan na kita

Dami ng ginagawang awitin

Sinusulat na panukala

Bukas ang ilaw ng kayamanan

May pabitin sa kisame at sa kamay

Dating pulseras ng dugo ngayon

Ay pulseras na ng tagumpay ngunit

Hindi puno ang pagkagalak

May tila kulang sa aking mga daliri

Nangunguminting, nangangating

Magkalikot muli ng mga parirala

Naagnas na ang mga salita

Naiwan muli si Roberto at Matalinong magbabaybay bilang labing tatlo

Itong plataporma’y nabanat

Kaunting pansin lamang ang nababahagi sa mga giliw

Kamusta mahal ko, ako’y narito

Upang kumitingting kahit saglit

Upang tayo’y muling magsiping sa bawat sagot at tanong

Habang ako ay nag-iisa sa dilim.

Ano kaya ang magandang pananaginipin?

juma.ine's avatar

By juma.ine

31 and have been writing leisurely since I was seven. My first short story was about a man who had the worst luck in the universe. I hope to continue writing and I hope this won't be another one of those blogging and getting bored eventually.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started